Friday, February 16, 2007

sinigang

Ngayon ko lang nalaman na ang fave ng mga anak ko na sinigang eh hindi pala sinigang kundi paksiw. Eh ang sinigang naman di ba ay nilagang kung anuman na inasiman ng anything maasim from sampalok, kamias to kamatis. So what’s wrong with using suka?!!!! Yung basic principle ng pagluto ng sinigang ay pareho lang, suka lang ginamit ko. Maasim yun. So sinigang siya.
Parang mechado, menudo, afritada. Pare-pareho lang naman ang luto iyan, nagkakaiba lang sa halo. Pero lahat may tomato sauce.
Kaya naman ako’y NAGITLA nang pagtawanan ako ng mga fwends nang malaman na ang secret ingredient ko ay, what else kundi si Datu Puti! May instant pampaasim naman daw. Ei, ayaw ko lasa nun. Mas at home ako sa lasa ng suka. Bakit ba. Masarap naman ang luto ko ah. Sabi nga ng mga anak ko, bakit daw di ako sumali sa cooking diva?
Ah basta.

No comments: