Wednesday, January 24, 2007

Ingrown nail

Grrr… Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga sakit sa kalingkingan katulad ng ingrown nail. Yun bang sakit na parang pinung-pinong dinudutdot ang iyong laman kaya’t hindi ka mapakali– ayaw mong galawin kasi masakit pero hindi mo matiis kasi nakakainis. Buti nga sana kung ganoon lang pero dahil nga hindi matiis ay siya, kinukutkot, namamaga… Ay naku, kaawa-awa ang daliri ke sa paa man yan o sa kamay. Hindi mo maigalaw, masagi lang eh, iinit agad ang ulo mo at gusto mong manghambalos ng tao.
Ayaw ko talaga sa ingrown nail. Bakit kasi hindi na lang tumubo ng maayos ang kuko at kailangan pa nitong lumiko? Kailangan pang gumastos para ipahila ang kung anumang nakasabit o naibaong kuko kasi kung papabayaan eh baka mabawasan ang fingers or toes ko.

No comments: